Home » Entertainment » Vilma, puring-puri si Jessy

Vilma, puring-puri si Jessy

vilma and jessy copy

Balik-GMA si Zoren Legaspi matapos siyang lumabas sa isang teleserye sa ABS-CBN. Pasok siya sa “Encantadia.” Mukhang magtatagal pa sa ere ang fantaserye, kaya asahang marami pang madadagdag na karakters.

Samantala, nagkaroon ng reunion ang mga original na sang’gre na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri. Nagkita-kita sila sa birthday dinner ni direk Mark Reyes na ginanap sa bahay nito sa Taguig City.

‘Andu’n din si Alfred Vargas na isa rin sa original cast ng “Encantadia.” Dumating din sina Ruru Madrid, Christian Bautista, Carlo Gonzales, Arthur Solinap, Solenn Heussaff at Gabbi Garcia na mga bahagi ng “Encantadia” ngayon. Wala sina Glaiza de Castro at Rocco Nacino na nasa Singapore at nanood ng concert ng Coldplay. Wala rin si Sanya Lopez at ibang “Encantadia” stars .

May intriga pang lumabas na kaya raw siguro wala rin sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay dahil ‘andu’n si Karylle na ex-girlfriend ni Dingdong. Si Dingdong ang gumanap bilang Ybarro/Ybrahim sa original “Encantadia” at Alena naman si Karylle.

In any case, abangan ang pagbabalik ng karakter nina Dingdong at Marian bilang Raquim at Reyna Mine-A sa “Encantadia.”

Deadmahan pa rin

Hindi kaya ang sinasabing “P” na bagong inspirasyon ngayon ni Gabbi Garcia ay ang international brand ng isang shampoo na siya ang endorser? Nagpunta pa si Gabbi sa Australia para sa TV commercial shoot and soon ay mapapanood ito sa iba’t ibang Asian countries. May paeklat pang may pasabog diumano si Gabbi tungkol kay “P.”

May tsika namang diumano’y nag-de-deadmahan pa rin sina Gabbi at Ruru Madrid sa taping ng “Encantadia.” Nag-uusap lang daw sila kapag magka-eksena sila. Off-camera, deadmahan ang ex-sweethearts kahit never silang umamin.

Todo-takip pa si Ruru nang nakausap namin. Aniya, nag-uusap naman sila ni Gabbi. Hindi na nga lang daw sila nakakalabas dahil parehas silang busy.

Masuwerte

Kung si Jessy Mendiola na ang pakakasalan ni Luis Manzano, masuwerte siya kapag naging daughter-in-law siya ni Congresswoman Vilma Santos-Recto. Hindi pakialamerang biyenan ito.

All praises ang mommy ni Luis kay Jessy na mabait daw, bata, at masayang kausap. Ilang beses nang nagkita at nagkausap sina Cong. Vi at Jessy.

Basta masaya ang anak niya, masaya na rin siya, ani Cong. Vi sa isang interbyu. Walang naging isyu sa kanya at sa mga babaeng nakarelasyon ni Luis. Never siyang nakialam sa lovelife ng kanyang anak.

Kasal na lang ang kulang kina Luis at Jessy. Mistulang honeymooners sila sa travels nila here and abroad na ang latest ay sa Osaka, Japan.

comments