Home » Entertainment » Ex-sweethearts reunited

Ex-sweethearts reunited

Regine Velasquez-Alcasid_Full House Tonight copy copy

Dalawa agad ang magiging apo ni Robin Padilla four months from now. Parehong five months pregnant ang mga anak niyang sina Queenie at Kylie. Isang Pakistani ang husband ni Queenie.

Si Aljur Abrenica naman ang father ng batang ipinagbubuntis ni Kylie. Engaged pa lang sila at wala pang definite date kung kalian sila magpapakasal.

Sa isang interbyu, sinabi ni Robin na hindi siya masyadong excited sa pagiging lolo. Mas concerned siya na maayos na makapanganak ang mga anak niya. Mararamdaman lang daw niya siguro ang excitement kapag ‘andyan na ang mga apo niya.

Aniya, blessing ang mga bata. Whether boy or girl, welcome sa kanya, basta normal at healthy lumabas ang mga ito.

Samantala, sobrang happy at nag-e-enjoy si Robin sa five-month old baby nila ni Mariel Rodriguez na si Isabella. At 47 years old, ang sarap ng pakiramdam niya na muli siyang naging tatay, ani Robin.

Reunited

Nag-taping na sina Ariel Rivera at Regine Velasquez sa “Mulawin Vs. Ravena (MVR).” Reunited ang ex-sweethearts sa upcoming GMA fantaserye. Una silang nagkatrabaho sa “Forever in my Heart” in 2004 na ginawa nila saKapuso Network.

Regine plays Sandawa, ina ni Lovi Poe (as Magindara) sa MVR. Isang Mulawin naman si Ariel bilang Panabon na magliligtas kay Regine.

First time ni Regine gumawa ng isang fantserye, kaya excited siya. Aniya sa interbyu ng “24 Oras,” mahirap mag-memorize ng straight tagalog at mag-deliver ng lines kapag fantaserye.

Enjoy naman si Ariel katrabaho si Regine. Huling napanood si Ariel sa “Hahamakin ang Lahat” sa GMA Afternoon Prime with Kristoffer Martin and Joyce Ching.

Effective

Effective kontrabida si Marc Abaya sa “Legally Blind” where he plays William, ang rapist ni Janine Gutierrez (as Grace). Ang dami niyang haters na maski kami, kapag pinanonood namin siya’y naiinis kami kay Marc. Makatotohanan kasi ang akting niya bilang isang bait-baitan, pero may masamang ugali.

Mamaya sa “Legally Blind,” bibigyan ng isang manghuhula si Grace ng kuwintas na may palawit na St. Benedict bilang protection. Iisipin ni Charie (Lauren Young) na niloloko siya nina William at Grace. Sasabihin niya ‘yun kay Edward (Mikael Daez). Maniwala kaya ito?

comments