Home » Entertainment » Meg Imperial, not intimidated by Kim Domingo

Meg Imperial, not intimidated by Kim Domingo

Matagal ding hindi napanood si Meg Imperial sa isang TV drama at marami ang nagulat na nasa bakuran na siya ng GMA-7 at kasama sa Kapuso dramedy na D’Originals.

Ayon kay Meg, lumabas na raw siya noon sa ilang shows ng GMA-7 noong nagsisimula pa lang siya. Kaya hindi na siya baguhan sa Kapuso network.

“I remember ‘nung nagsta-start ako, nandito rin ako lagi noon but this is the first as me, Meg na.

“So far, the staff are nice and magaan naman, tinitimpla ko pa ngayon ‘eh siyempre bago ka.

“Good thing naman na I know some people na rin na nakatrabaho ko na from before,” ngiti pa ni Meg.

Mas nakilala kasi si Meg sa mga nagawa niyang teleserye sa TV5 tulad ng The Sisters, Glamorosa at Enchanted Garden.

Lumabas din siya sa Midnight DJ, Bagets: Just Got Lucky at My Driver, Sweet Lover.

Noong lumipat sa ABS-CBN 2 si Meg, lumabas siya sa Please Be Careful With My Heart, Galema: Anak Ni Zuma, Moon of Desire at Todo Max.

Huling napanood si Meg sa 2016 teleserye na Bakit Manipis Ang Ulap? Nagkaroon din siya ng guest role sa Ang Probinsyano.

“I will admit na hindi tayo masyadong naging busy last year. I was going through so many personal problems.

“Pero this year, mas okey na ako. Mas driven na ako to work harder,” ngiti pa niya.

Sa D’Originals ay gaganap si Meg na other woman ng mister ni Kim Domingo na si Archie Alemania.

May isang eksena na nag-bikini showdown sila ng Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo. Na-intimidate ba siya sa kaseksihan nito?

“No, actually I’m confident about myself.

“I got depressed years ago and everyone knows about it, now that I recovered from it, I should always be positive.

“There’s no way that I should be intimidated by anyone,” pagtapos pa ni Meg Imperial. (RUEL J. MENDOZA)

comments