Home » News » News Roundup » Motorcycle rider patay sa aksidente

Motorcycle rider patay sa aksidente

Patay ang isang 36-taong gulang na lalaki habang sugatan naman ang kaniyang nakababatang kapatid nang mahagip ng isang trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Tondo, Manila, Martes ng gabi.

Dead on the spot si Roel Gabotero, 36, habang nakaligtas naman sa kamatayan ang kaniyang kapatid na si Ronaldo, 32. Mga residente sila ng Smokey Mountain sa Tondo.

Base sa police investigation, magka-angkas ang magkapatid sa isang motorsiklo na nagcounterflow sa northbound lane ng Radial Road-10 dakong 8:30 p.m.

Nang makarating sa Jacinto Street, nahagip ng truck ang kanilang sasakyan. Dahil dito, nawalan ng control si Roel sa motorsiklo at bumangga sa trailer ng truck.

Dahil sa lakas ng impact, tumilampon mula sa motorsiklo ang dalawa. Hindi huminto ang truck matapos na mabangga ang mga biktima at wala ring nakakuha ng plate number ng sasakyan.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang police sa nangyaring aksidente. (Analou De Vera)

comments