Home » Entertainment » Andi clears love-hate relationship with mom

Andi clears love-hate relationship with mom

7andi copy copy

Nagpaliwanag si Andi Eigenmann kaugnay ng isyu ng love-hate relationship umano nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Naungkat ito nang matanong si Andi sa thanksgiving presscon ng “The Greatest Love” kung ano ang naging epekto ng pagiging miyembro niya ng cast ng naturang ABS-CBN teleserye sa relationship nila ng kanyang ina.

“Actually, that’s the common misconception. They think na it’s just because I’m a celebrity and my life o whatever happens to my personal life is talked about in the media, iyon na talaga ang nangyayari. My mom and I, we don’t have a love-hate relationship. We may have a lot of misunderstandings, but we love each other very much. It’s just that hindi kasi ako affectionate tapos ’yung mom ko sobrang sensitive niya. So, nagkakaroon talaga kami ng mga misunderstandings. Since mag-ina kami and nakatira kami (noon) sa iisang bahay, sa sobrang open pa namin sa isa’t isa, palagi kaming nagkakaroon ng pagtatalo. Di ba kung honest ako, ’yung nanay ko mas honest pa ’yun e. Parang hindi naman kailangang sabihin, ise-share pa (sa social media). Kaya akala ng mga tao love-hate relationship. Pero hindi naman talaga,” pag-lilinaw ni Andi.

Nakatulong daw na mga nanay na ang co-stars niya sa “The Greatest Love” na sina Sylvia Sanchez at Dimples Romana para ma-realize niya ang ilang bagay tungkol sa relasyon nila ni Jaclyn. “The difference is now I live alone and I’m hanging out with like Tita Sylvia, who became my second mom, and Ate Dimps pala. So, siguro parang nag-grow na rin yung relationship ko with my mom in the sense that alam ko as much as I recognized these people as admirable mothers that I would like to be like when I’m as old as them, gusto ko dapat pati nanay ko rin naman masigurado ko rin na kung sila mahal ko sila at nirerespeto ko sila bilang mga ina, dapat hindi ko kalimutan si nanay din. Ipaparamdam ko rin naman sa kanya na kahit may sarili na akong life sobra-sobrang big part pa rin siya nun at saka ’yung brother ko.

Love na love ko po sila.”

Samantala, inaanyayahan ni Andi ang mga manonood na patuloy na subaybayan ang hu-ling tatlong linggo ng “The Greatest Love,” na umeere mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon pagkatapos ng “The Better Half” sa ABS-CBN. (Glen P. Sibonga)

comments