Home » Entertainment » Carla Abellana is physically ready for ‘Mulawin vs. Ravena’

Carla Abellana is physically ready for ‘Mulawin vs. Ravena’

7Carla Abellana copy copy

Alam ng Kapuso actress na si Carla Abellana na kailangan niyang maging physically-fit para sa pagganap niya bilang si Aviona sa aabangan na bagong telefantasya ng GMA-7 na “Mulawin Vs. Ravena”.

Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na kasama siya sa cast ng isang show na dati ay pinapanood lang niya noong una itong ipalabas in 2004.

“Honestly, sobrang nakaka-kilabot from the time na una kong nakita si Dennis Trillo na suot na niya ‘yung costume niya pati ‘yung time na ako naman, isinuot ko ‘yung costume ko.

“Alam mong napakalaking project kaya’t kikilabutan ka kasi grateful ka.

“Mahirap kasi nagpe-prepare ka physically, emotionally, lahat ay kumpleto.

“Physically, talagang nag-workout ako, not necessarily to lose weight, pero para mas lumakas ‘yung katawan ko,” diin pa ni Carla.

Ang role ni Carla bilang Aviona ay unang ginampanan ni Bianca King in 2004.

Pero magkakaroon ng ibang character si Aviona sa sequel ng naturang telefantasya.

“Isa akong purong Mulawin, mother ni Bea Binene who will be playing the role of Anya.

“Dito, makikita n’yo si Aviona bilang isang ina tapos ang ipaglalaban na niya rito ay ‘yung Avila at ‘yung anak niya na isang Tabon (half-Mulawin, half-human).

“Gusto niyang bukas ‘yung Avila sa lahat dahil ‘yung anak niya ay half-blooded na ibon.”

Isang taon na hindi gumawa ng teleserye si Carla. Huli pa niyang pinagbidahan na teleserye ay ang “Because Of You” with Gabby Concepcion.

Nagkaroon siya ng guest role sa “Juan Happy Love Story” last year at patuloy naman ang paglabas niya bilang host ng programang “Karelasyon”.

“Actually, hindi ko napansin na it’s been a year na hindi ako nakagawa ng teleserye.

“Mabuti na rin iyon para mas nakap-concentrate ako sa iba.

“I still have “Karelasyon” ang “Del Monte Kitchenomics”.

“But I am happy to be back acting again this year on TV,” pagtapos pa ni Carla Abellana. (Ruel J. Mendoza)

comments