Home » Entertainment » JaDine snub fans?

JaDine snub fans?

1kathniel-copy-copy

Walang premiere night ang “Can’t Help Falling in Love” dahil Black Saturday (April 15) ang showing nito sa mga sinehan. Positive pa rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na panonoorin pa rin ang kanilang movie. Gano’n din ang Star Cinema dahil sa mga nakaraang pelikula nilang ipinalabas ng Black Saturday ay kumita ang mga ‘yun.

Kahit walang premiere night ang CHFIL, maraming block screenings ang in-organize ng KathNiel fans na sisikaping mapuntahan nina Daniel at Kathryn.

Sa presscon ng CHFIL, inamin nina Daniel at Kathryn na nakakaramdam sila ng pressure sa magiging box-office returns ng kanilang latest movie. ‘Yung huli nila, “Barcelona, A Love Untold” ay isang blockbuster, kaya hindi maiwasang ma-pressure sila sa CHFIL.

“Hindi naman mawawala ‘yun (pressure), basta may bago kaming project,” ani Daniel. “Siyempre, ayaw naming sumablay.

Gusto namin, magustuhan ‘yun ng mga manonood. ‘Yung mapasaya namin sila.” Sinang-ayunan naman ito ni Kathryn.

Nang-isnab

How true kaya ang tsikang diumano’y inisnab nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang fans sa US? Diumano’y hindi nila hinarap ang mga ito noong US tour nila.

Iniwasan daw nina James at Nadine ang kanilang fans na nanood ng kanilang concert. Disappointed daw ang mga ito sa inasal ng dalawa.

May mga gustong magpa-picture-taking na hindi sila pinagbigyan ng JaDine.

By this time, pabalik na ng Pilipinas (o nakabalik na?) sina James at Nadine. Balitang pahinga muna sila sa paggawa ng teleserye. How true na sinadya diumano ng ABS-CBN na huwag muna silang bigyan ng bagong project dahil diumano, naging sakit sila ng ulo ng production staff sa huling teleserye nila (“Till I Met You”)?

Nanood

Hindi pinalampas ni Maine Mendoza manood ng concert ng Coldplay sa SM Mall of Asia. Super fan siya ng British rock band. Kasama niyang nanood si Alden Richards.

Sweet ng photo nilang lumabas sa social media kung saan karga ni Alden sa kanyang balikat si Maine. Ano kaya ‘yun, hanggang natapos kaya ang concert?

Nakatayo lang kasi ang mga nanood ng concert at sobrang daming tao. Bukod sa AlDub, kanya-kanyang posts sa social media ang mga celebrity na nanood gaya nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Jennylyn Mercado, Ruru Madrid, atbpa.

comments