Home » News » News Roundup » Lalaki, nakaligtas sa pamamaril

Lalaki, nakaligtas sa pamamaril

Himalang nakaligtas and isang 43-taong gulang na lalaki matapos pagbabarilin ng isang nakamotorsiklong salarin sa Tondo, Manila, kahapon.

Sinabi ng witnesses sa police na nakikipag-usap ang biktimang si Franklin Cabrera sa kaniyang mga kaibigan sa Capulong Street dakong 1 a.m. nang biglang dumating ang gunman na nakasuot ng face mask.

Binaril ng suspect si Cabrera sa kaliwang braso at tiyan at kaagad na tumakas sakay ng motorsiklo. Mabilis na naisugod ang biktima ng kaniyang partner na si Cristina Reyes sa ospital kung saan kaagad siyang sumailalim sa operation. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments