Home » Entertainment » Aktres, nagsawa na sa lalaki

Aktres, nagsawa na sa lalaki

8Jaclyn Jose1 copy copy

Nakaka-sad na ang dating BFF (Best Friends Forever) na sina Jaclyn Jose at dating aktres na si Laarni Enriquez ay hindi na nag-uusap ngayon. Nagkaroon sila ng conflict dahil sa mga anak nilang sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na childhood friends.

Ani Jaclyn, sabay pa silang nagbuntis ni Laarni. Si Jake ang biological father ng five-year old daughter ni Andi na si Ellie. Sa presscon ng “D’ Originals,” sinabi ni Jaclyn na parang anak ang turing niya kay Jake bago pa ito naging daddy ni Ellie. Pero ayaw ni Laarni kay Andi. “What can I do?” ani Jaclyn.

In any case, hinangaan ng press ang pag-amin ni Jaclyn sa presscon ng “D’Originals” na noong kabataan niya’y naging kabit siya. Bagaman hindi siya nagbanggit ng pangalan, alam ng press na ang yumaong actor na si Mark Gil ang tinukoy niya. Ito ang biological father ni Andi.

Ayon kay Jaclyn, nagkasama sila (Mark) sa isang out-of town shooting ng isang pelikulang ginawa nila noon. Nagka-in love-an sila. “Hindi naman maiwasang makaramdam ka, lalo na kapag may love scene kayo,” she said.

Hindi niya alam na married na si Mark. Pagbalik nila sa Manila, saka lang niya nalaman. Nag-apologize siya kay Bing Pimentel (mother of Sid Lucero).

Nagsawa na

Kuwento pa ni Jaclyn, isang babae (ewan kung artista rin) ang nahuli niyang kasama ng isa pa niyang naging boyfriend (ewan kung sino naman ‘yun) sa kotse. Inaway niya ‘yung girl. Ang ending? Iniwan sila pareho ng guy.
May isa pang girl na nahuli naman niyang kasama sa kuwarto ng isa pa niyang naging BF. Sinita niya ‘yung girl at sinipa.
Sa edad niya ngayon (53 years old), ani Jaclyn, wala na siyang nararamdaman sa mga lalaki. “Nagsawa na ako (laughs),” aniya. “Nasanay na akong walang partner.” Nadala na raw siya sa panloloko sa kanya ng mga lalaki.
Sa “D’Originals,” legal wife siya ni Jestoni Alarcon. Si Katrina Halili ang kabit nito. ‘Kaaliw ang trailer na nag patutsadahan sina Jaclyn at Katrina. Tinawag nitong balyena si Jaclyn. Ahas at hipong patapon naman ang buwelta ni Jaclyn kay Katrina.
Mapapanood ang “D’Originals” simula April 17 sa GMA Afternoon Prime. Hatid ng GMA News and Public Affairs.

comments