Home » Entertainment » Claudine rants on ‘fake people’

Claudine rants on ‘fake people’

8Claudine barretto copy copy

Nagpahayag ng kanyang disappointment over social media ang aktres na si Claudine Barretto.

Noong nakaraang April 6 ay nag-post ang aktres ng isang cryptic message tungkol sa mga taong tinatawag niyang mga peke or fake.

Kung babasahin ang kanyang pinost sa Instagram, malalim ang hugot nito tungkol sa mga taong inabuso at sinamantala ang kanyang kabaitan.

Wala namang tinukoy na pangalan si Claudine kung sino ang abusado at manggagamit na tao o mga taong ito.

Nabanggit din ng aktres sa message ang phrase na “pretend we are okay when we are not.”

Heto ang buong mensahe na pinost ni Claudine sa kanyang Instagram account:

“Its so Sad & Painful when your faced with the Ugly Truth that no matter how sincere you are ang dami PEKE SA MUNDO!!they will use you & abuse your kindness & pretend to other people that u guys are okay when your really not.today i refuse to Help, Act & Pretend like we r okay when we are not.im not going to [be] Used again.i will support only those who r true & may respeto at di Bastos sa totoong buhay.enjoy your Vacay.”

May ilang mga fans ang aktres na nagpakita ng kanilang concern sa kanilang idolo.

May mga nagtatanong kung sino ba ang pinapatamaan ni Claudine.

Pero hindi rin mawawala ang mga pumuna sa pinost ng aktres.

Masyado raw negative ang vibes na nilalabas ng aktres, kaya negative din daw ang bumabalik sa kanya.

Hindi masyadong aktibo sa showbiz ngayon si Claudine simula noong magkahiwalay sila ng mister niyang Raymart Santiago.

Nabalita noong nakaraang taon na nagkaayos na silang dalawa at naging magkaibigan na sila para sa dalawang anak nila.

Pero kelan lang ay may nasabi na namang hindi maganda si Claudine sa kanyang estranged husband kaya muli na naman silang hindi on good terms. (Ruel J. Mendoza)

comments