Home » Entertainment » Katrina Halili gets to be sexy and funny in ‘D’Originals’

Katrina Halili gets to be sexy and funny in ‘D’Originals’

Pinaghandaan ng husto ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang pagpapa-sexy sa bagong drama-comedy series ng GMA-7 na “D’Originals”.

Sa ilang eksena kasi ng naturang dramedy ay ipapakita ni Katrina ang kanyang sexy na katawan bilang pang-akit kay Jestoni Alarcon na mister naman ni Jaclyn Jose.

Ayon kay Katrina, matagal din daw siyang hindi nakapagsuot ng bikini simula noong nakapanganak siya. Kaya malaking challenge daw sa kanya ang ibalik ang dating kaseksihan niya.

“Four years na kasi akong hindi nagsusuot ng bikini.

“Since nabuntis ako sa anak ko at ngayon ay four years old na siya, ngayon lang ako ulit nakapagsuot ng bikini sa TV.

“Kaya medyo na-stress ako kasi ika-fourth taping day pa lang, pinagbi-bikini na ako.

“Buti na lang at nadaan sa mga dayang shots. Naitawid naman namin.

“Pero ngayon, kailangan kong mag-gym at mag-diet ulit kasi baka gulatin na naman nila ako na magpa-sexy,” tawa pa ni Katrina.

Natuwa naman ang aktres dahil nabigyan siya ng isang comedy role sa “D’Originals”. Matagal na raw niyang request na makagawa siya ng comedy role sa TV.

“Noon ko pa sinasabi na gusto kong mag-comedy. Ayaw nilang maniwala na magaling akong magpatawa.

“Kaya after noong ‘Sa Piling Ni Nanay,’ nag-request ako na comedy naman ang gawin ko. Kasi nakakapagod na rin na parati akong nagagalit, pumapatay at nagtataray.

“Gusto maiba naman para makita nila ang fun side. Na kaya kong magpatawa naman,” ngiti pa ni Katrina.

Kaya natuwa siya ng kunin siya for “D’Originals” bilang other woman na palaban sa misis ng lalakeng inaagaw niya.

“Sobra kaming aliw ni Tita Jane sa mga eksena namin. Minsan kami na ang bahala sa gagawin namin, basta hindi siya ‘yung over.

“Kaya ang gaan-gaan lang. Natuwa ako na nagkaroon ako ng chance to work with Jaclyn Jose na isa sa mga paborito kong artista,” pagtapos pa ni Katrina Halili. (Ruel J. Mendoza)

comments