Home » Entertainment » Kim Domingo: ‘work hard, no shortcuts’

Kim Domingo: ‘work hard, no shortcuts’

Kim Domingo

Noong nagsisimula pa lang na maging model ang Kapuso actress at Pantasya ng Bayan na si Kim Domingo, marami na raw na nagpaparamdam na mga DOM (Dirty Old Men) sa kanya at iba-iba ang mga pinapangako sa kanya.

Kaya nasanay na raw si Kim sa mga indecent proposals, pero ni isa ay wala siyang tinanggap.

“I will not deny po na noon pa ay nakakatanggap na ako ng mga indecent proposals.

“I was starting out to be a model noon nandiyan na sila and ang mga promises nila na bibigyan nila ako ng magandang buhay.

“Kung anu-ano po ang pinapangako nila tulad ng kotse, bahay, pera na panggastos—pati po langit, buwan at bituin ay pinapangako nila sa akin!” tawa pa ni Kim.

Pero dahil pinalaking may takot sa Diyos si Kim, pikit-mata niyang tinanggihan ang mga ito at gusto niyang kitain at bilhin niya ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtrabaho ng maayos.

“Tempting po ang mga offers ng iba. As in, hindi ko na kailangang magtrabaho pa dahil ipo-provide na iyon sa akin.

“Laki po ako sa hirap at mas masarap na sabihin mong sa iyo ang isang bagay kung pinaghirapan mong kunin.

“Kaya lahat po ng mga offers nila, wala po akong tinanggap dahil I want to work for my family in an honest way,” diin pa ni Kim.

Dahil sa tiyaga at mga sakripisyong pinagdaanan ni Kim, unti-unti na niyang natutupad ang pangako niyang magandang buhay sa kanyang pamilya.

Thankful ang Pantasya Ng Bayan sa GMA-7 dahil sa mga shows na kinabilangang niya, ang latest ay itong dramedy series na D’Originals.

“Slowly ay nakaipon po ako at ngayon ay napo-provide ko na ang family ko ng mga pinapangarap lang namin noon.

“Nakabili na po ako ng house sa Novaliches for my mom and my lola. Tapos may isa pa akong nabili para naman po sa akin.

“Mas masarap po ang feeling talaga na you work hard at walang shortcuts sa pag-asenso. Mas fulfilling ang nagbanat ka ng buto, napuyat ka para may ma-achieve ka sa buhay.”

Sa D’Originals ay gumaganap si Kim bilang isang Zumba instructor na nadiskubre na may ibang babae ang kanyang palikerong boyfriend na ginagampanan ni Archie Alemania. (RUEL J. MENDOZA)

comments