Home » Entertainment » Catwalk king Rogelia excited to meet fans in Indonesia

Catwalk king Rogelia excited to meet fans in Indonesia

Dahil sa kanyang mga nag-viral na catwalk videos sa social media, dumami ang fans sa buong mundo ng opening gay comedian na si Sinon Loresca o mas kilala bilang si Rogelia ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kilala na ngayon si Rogelia bilang Catwalk King dahil sa kanyang mga viral videos.

Sa April 28 ay lilipad si Rogelia patungo sa bansang Indonesia para makipag-meet and greet sa kanyang mga tagahanga roon.

Hindi inaasahan ni Rogelia na magkakaroon siya ng maraming fans noong biglang kumalat sa social media ang kanyang mga videos na naka-evening gown, naka-bathing suit at suot ang six-inch heels sabay rampa sa kalsada, pati na rin ang pagte-treadmill at paglalaro ng basketball na suot ang six-inch heels ay kinatuwaan ng kanyang mga fans na mula pa sa mga bansang Malaysia, Mauritius at sa Indonesia.

Dahil sa excited nang makilala ng personal ni Rogelia ang kanyang mga fans na gusto rin siyang makita at magbigay ng tips kung paano maglakad ng maayos na naka-heels, inayos nito ang kanyang schedules para makalipad siya sa Jakarta, Indonesia.

Kasalukuyang busy si Rogelia sa taping ng GMA-7 teleserye na Impostora kunsaan bida si Kris Bernal.

Nakatanggap ng dalawang mensahe si Rogelia sa social media mula sa dalawang fans niya na taga-Malaysia at Mauritius.

Hanga raw sila sa kanyang self-confidence at kung paano raw siya naging inspirasyon at na-empower ang mga miyembro ng LGBT community.

Napanood din daw nila ang life story nito sa programang Magpakailanman at lalo silang napahanga sa pagiging matapang nito sa pagharap sa buhay.

Naiyak din sila sa sakripisyo na handang gawin ni Rogelia para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney.

Umiyak si Rogelia nang basahin niya ang dalawang mensaheng iyon dahil hindi niya alam na sa mga simpleng bagay lang na ginagawa niya ay meron siyang mga natutulungan para lumakas ang loob nila para harapin ang mga pagsubok sa buhay nila. (RUEL J. MENDOZA)

comments