Home » News » News Roundup » Dump truck kills motorcycle rider

Dump truck kills motorcycle rider

Nasawi ang isang motorcycle rider nang masagasaan ng isang 10-wheeler dump truck sa Parañaque City noong Linggo ng gabi.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Reynaldo Serafica, case investigator, nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kaniyang ID na si Benjie Regondola, 49, maintenance worker ng isang hotel sa Parañaque.

Base sa initial investigation, sakay si Regondola ng kaniyang black motorcycle (BE 14327) habang binabagtas ang northbound lane ng Macapagal Boulevard sa Barangay Tambo dakong 8 p.m. nang biglang lumiko ang dump truck (UUC 382) at bumangga sa kaniya.

Napunta sa ilalim ng unahang gulong ng truck si Regondola at buhay pa nang bumaba ang truck driver para tingnan siya.

Sinabi ng isang witness sa police na narinig niyang nagsalita si Regondola at parang nakikiusap sa driver na dalhin siya sa ospital.

Ngunit sa halip na tulungan si Regondola, muling sumakay ang driver sa dump truck at tuluyang sinagasaan ang biktima, ayon pa sa witness.

Pagkatapos, muling bumaba ng truck ang driver at tumakbo papuntang Macapagal Boulevard. Sinabi ni Serafica na walang lamp post at closed circuit television (CCTV) cameras lugar ng aksidente kung kaya’t nahihirapan silang makilala ang suspect.

Patuloy ang follow-up operation ng police para madakip ang truck driver. (Martin A. Sadongdong)

comments