Home » Entertainment » Kim, deadma sa indecent proposals

Kim, deadma sa indecent proposals

Kim Domingo

Aminado si Kim Domingo na marami siyang indecent proposals. May nag-aalok ng house and lot, kotse at kung anu-ano pa.

“Ayokong gumulo ang buhay ko. Laki ako sa hirap at gusto ko, pinaghihirapan ko anuman ang gusto ko,” ani Kim sa presscon ng “D’Originals.”

Magpapatayo siya ng bahay somewhere sa Antipolo worth P5-million. Four bedrooms ‘yun. Nilinaw ni Kim na wala siyang sponsor at maglo-loan siya sa bangko. Handa raw siyang ipakita ang bank form sa mga nagdududa.

Kaya nga raw inspired siyang magtrabaho dahil iniisip niya parati ang bahay na ipapatayo niya. Nagsisipag siya para may pambayad siya sa bank loan niya.

Thankful si Kim sa GMA dahil parati siyang binibigyan ng trabaho. Bagong project niya ang “D’Originals” na mapapanood simula sa April 17 sa GMA Afternoon Prime. Legal wife ni Archie Alemania ang role ni Kim at mistress nito si Meg Imperial.

Itinanggi ni Kim na nagdedeadmahan sila ni Meg. “Walang gano’n. Okey kami,” ani Kim.

Sa mga nagkukumpara naman kina Kim at Ellen Adarna, sabi ni Kim, hindi siya nakikipagkumpitensiya kung sino sa kanila ang mas sexy. Hindi siya affected sa bansag sa kanya na Bagong Pantasya ng Bayan.

“Basta ako, work lang ng work. Thank you sa mga nagsasabing ako ang Bagong Pantasya ng Bayan. Wala naman sa akin ‘yun,” said Kim.

Intriga

Mag kasamang nanood ng Coldplay concert sa SM Mall of Asia grounds sina Ruru Madrid at Mikee Quintos. Ngayong Holy Week, magkasama rin sila sa Japan.

Naiintriga tuloy ang dalawa na gumaganap na mag-ama sa “Encantadia” bilang Ybrahim at Lira. Joke pa ng iba, “incest” daw sina Ruru at Mikee.

Off-camera, super friends sina Ruru at Mikee. Natatawa nga si Ruru dahil three months older lang siya kay Mikee, eh, mag-ama sila sa “Encantadia.” Pareho silang turning 19 this year.

Hindi kaya ma-bash din si Mikee ng Gab-Ru fans nina Gabbi Garcia at Ruru? Mukhang napapadalas ang pagsasama nina Ruru at Mikee. Hindi pala si Arra San Agustin ang dapat pagselosan ng GabRu fans. Binabash si Arra dahil siya ang love interest ni Ruru sa “Encantadia.”

Umaapela ang GabRu fans na sana raw ay ibalik ang tambalan nina Ruru at Gabbi.

comments