Home » News » News Roundup » Mike Arroyo, humingi ng travel permit

Mike Arroyo, humingi ng travel permit

Hiniling ng dating First Gentleman Mike Arroyo sa Sandiganbayan Seventh Division na payagan siyang makabiyahe sa Europe mula May 15 hanggang June 17, 2017.

Sa kaniyang motion to travel, sinabi ni Arroyo na gusto niyang bumisita sa Spain, France, Denmark, Norway, Hungary, Czech Republic at Italy, ngunit hindi niya sinabi kung ang biyahe ay para sa kasiyahan o negosyo.

Iginiit ni Arroyo ang kaniyang karapatang makabiyahe dahil ipinalalagay na inosente pa rin siya hanggat hindi napapatunayan ang mga kasong isinampa sa kaniya sa naturang korte.

Sinabi niya na handa siyang tumugon sa mga kondisyon na ibibigay ng korte para sa kaniyang biyahe. Ang asawa ni dating Pangulo at ngayo’y Pamapang Rep. Gloria Arroyo ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y maanumalyang pagbili ng overpriced helicopters ng Philippine National Police noong taong 2009. (Czarina Nicole O. Ong)

comments