Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 nasaktan sa Cavite fire

2 nasaktan sa Cavite fire

CAVITE CITY, Cavite – Dalawang katao ang nasaktan sa 50-minute fire na tumupok sa dalawang bahay sa Via Ferrea Interior, Sta. Cruz, noong Miyerkules.

Kinilala ng police ang mga nasugatan na sina Ferdie Aducol and Richard Senero.

Nagtamo ng gasgas at sprain si Aducol habang nasugatan naman sa kaliwang paa si Senero. Isang Rosalita Candasa ang nakaranas ng hypertension sa kasagsagan ng sunog.

Ayon kay PO2 Julius H. Llave, officer-on-case, nagsimula ang sunog dakong 4:25 p.m. at nasawata sa ganap ng 5:15 p.m.. (Anthony Giron)

comments