Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Cattle rustling gang leader tiklo

Cattle rustling gang leader tiklo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Nadakip ng police ang kilabot na leader at isang miyembro ng isang cattle rustling group sa Barangay Balite.

Kinilala ni Supt. Nestor Cusi, chief of police, ang mga inaresto na sina Roger Bacani, leader ng “Bacani Rustling Group”, at Genaro Ramos, residente ng Barangay Balite.

Nakumpiska kay Bacani ang isang fragmentation grenade at isang homemade 12-gauge shotgun; habang nakuha naman kay Ramos ang isang .38-caliber revolver na may tatlong bala, at isang M203 ammunition.

Ang dalawa ay sangkot sa cattle rustling sa mga kalapit na bayan, ayon sa police.

Dahil sa pagkararesto ni Bacani at Ramos, pinaniniwalaang naparalisa na ang operasyon ng grupo.

“Kinatatakutan ang grupo ng mga iyan at babalikan ang mga biktima kung ang mga hayop ay nagagawa pang ikandado para di manakaw,” sabi ni Cusi. (Liezle Basa Iñigo)

comments