Home » Entertainment » Christian on getting married: ‘It’s not happening soon’

Christian on getting married: ‘It’s not happening soon’

14Christian Bautista copy copy

Marami pa raw gustong ma-achieve ang Kapuso singer-actor na si Christian Bautista bago nito maisipan na mag-settle down kasama ang girlfriend niyang si Kat Ramnani.

Naging open na rin ang balladeer sa kanyang private life ngayon dahil na rin sa social media. Pero kahit na nagagawa na niyang mag-share sa mga sweet moments nila ni Kat, may mga bagay pa rin daw na ginagawa niyang private.

“Naging venue na kasi ang social media for talking about your personal relationships. Siguro nga, nahawa na rin ako.

“Before, hindi mo ako mapagsasalita about my relationships, eh. Pero almost everyone is doing it, so bakit pa ako mag-hold back, ‘di ba?

“I should be proud of what I have and being in this relationship with Kat is one of the best things that happened to me and I want to at least share that with the people who supports me.

“But there are still some privacy left. Hindi naman lahat ise-share namin,” ngiti pa ni Christian.

Sa issue ng kasal, wala pang masasabi ang actor-singer.

“It’s not happening soon. Malalaman na lang nila ‘yan siguro sa social media.

“Tutal dun na nagaganap ang mga proposals and wedding announcements, so hintayin na lang nila. Gulatan na lang!” tawa pa niya.

Maganda ang takbo ng taon para kay Christian dahil muli siyang kinuhang endorser ng Blackwater Men’s Fragrance. Nine years na raw siyang endorser nito.

Meron din siyang ilalabas na bagong album at kasama siya sa upcoming teleserye na My Love From The Star.

Ginagampanan ni Christian ang role na Winston na makaka-love triangle nila Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

“On set ‘yun, we eat, we talk. Pero ‘pag eksena na, talagang review ng lines. Minsan nagre-review kami ng lines together, and pag-take na, talagang we give, we give a lot of emotions to each other para talagang makuha namin ‘yung best.

“And Direk Joyce Bernal is there to guide us all the way. So, sarap. It’s like a workshop while working din.”
(Ruel J. Mendoza)

comments