Home » Entertainment » Sharon-Gabby movie, not meant to be

Sharon-Gabby movie, not meant to be

14Max Collins copy copy

Not meant to be siguro ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sobrang busy schedule ang dahilan ng kampo ni Gabby. Anang aktor, priority niya ang projects na ibinibigay sa kanyang GMA7 dahil may exclusive contract siya sa Kapuso Network.

Baka raw next year pa mahanapan ng schedule ni Gabby ang paggawa ng pelikula with Sharon.

Kung ngayon ay si Sharon ang mas may gusting makipagtrabaho kay Gabby, hindi kaya mabaliktad naman kung next year pa itutuloy ang reunion movie nila? Hindi kaya ang megastar naman ang tabangan at gumawa ng alibi?

Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan. Para-paraan lang naman ‘yan.

Nagprisinta

Nagprisinta si Robin Padilla na pwede siyang gumawa ng pelikula with Sharon Cuneta. May kundisyon ng alang siya.

Hindi siya pwedeng magpagupit ng buhok at mag-ahit ng kanyang balbas at bigote. Maaapektuhan daw ang ginagawa niyang indie movie.

“Maging Sino Ka Man” ang pelikulang pinagtambalan noon nina Sharon at Robin na isang box-office hit. Nagkarelasyon din sila in real life na sa isang interbyu ay sinabi ni Sharon na muntik na niyang pakasalan si Robin.

Natuklasan lang niyang married na pala ito. Si Liesel Sicangco ang first wife ni Robin. Apat ang naging anak nila, three girls and one boy. May anak din si Robin sa former actress na si Leah Orosa. Si Mariel Rodriguez ang present wife ni Robin at meron silang five-month old daughter, si Maria Isabella.

Sorpresa

Bongga naman ni Pancho Magno. Paris trip ngayong Holy ang sorpresa niya sa girlfriend niyang si Max Collins. Sa Zambales dapat ang destination ng mag-sweethearts. Pero hindi ipinaalam ni Pancho kay Max na may iba pala siyang plano.

Four to five days lang sila sa Paris. Need nilang bumalik agad sa Pilipinas dahil pareho silang may trabaho. May ginagawang movie si Max, samantalang may “Encantadia” naman si Pancho.

Nang huli naming siyang nakausap, sinabi niyang wala pa siyang balak mag-propose ng kasal kay Max. Four years na sila together. “Bata pa si Max. She’s only 24. Marami pa siyang gustong gawin o ma-achieve as an actress,” ani Pancho na gumaganap bilang Hitano sa “Encantadia.”

comments