Home » News » News Roundup » Village councilor killed

Village councilor killed

Patay ang isang barangay councilor pagkatapos pagbabarilin umano ng dalawang armadong lalaki sa Quezon City kahapon.

Kinilala ng police ang biktima na si Jerson Dazo, 51, tricycle driver and councilor sa Barangay West Fairview.

Ayon sa isang saksi, dumating ang biktima sakay ng kanyang tricycle sa terminal sa Dart St. malapit sa Regalado Ave. upang mamasada. Makaraan ng ilang minuto, nakarinig ang saksi ng mga putok ng baril.

Nakita na lamang ng saksi na nakahandusay ang biktima sa kanyang tricycle habang papatakas ang mga suspect na nakasuot ng bonnets, helmets, sunglasses, black jackets, at pants at nakasakay ng isang motorcycle.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang biktima na kaagad niyang ikinamatay. Narecover sa biktima ang cash na nagkakahalaga ng P17,700. Masusing iniimbestigahan ng police ang insidente.

Samantala, natagpuan ang isang six-month-old fetus sa gitna ng kalsada sa Quezon City noong Good Friday.

Natagpuan ang fetus sa eastbound lane ng Quezon Ave. malapit sa Lung Center of the Philippines sa Barangay Central. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments