Home » News » News Roundup » Man found dead in condo

Man found dead in condo

Natagpuang patay ang isang matandang lalaki sa loob ng kanyang condominium unit sa Malate, Manila kamakalawa.

Ayon sa Manila Police District, naglilipat ng mga fire hoses ang mga security guard ng condo sa eighth floor nang mapansin nila ang masangsang na amoy sa unit ng biktimang si Olegario Castillo, 77, residente ng Caton St., Makati City.

Tinawag nila ang asawa ng biktima na si Amorcita at binuksan ang condo. Gumulantang sa kanila ang biktima na patay na at naagnas na ang katawan nito sa kama.

Huling nakitang buhay ni Amorcita ang kanyang asawa ng umalis ito upang pumunta sa kanilang bahay sa Cavite. (Jaimie Rose A. Aberia)

comments