Home » Entertainment » Archie Alemania, from playboy to good boy

Archie Alemania, from playboy to good boy

Hindi itinatanggi ng actor at comedian na si Archie Alemania na lapitin siya at pumapatol talaga siya sa tukso.

Kaya naman malapit sa pagkatao niya noon ang babaero role niya sa GMA-7 dramedy na “D’Originals.”

Hindi naman daw kaila sa lahat ang kanyang pagiging notorious na playboy noong araw.

“Dito sa ‘D’Originals,’ ako talaga ‘yung super babaero na tanggap na ‘nung asawa ko ‘yung pagiging babaero ko.

“My wife here is played by Kim Domingo na isang Zumba instructor.

“Biglang dumating ang isang tukso sa relasyon namin at doon na nagkaroon ng malaking gulo. The other woman is played by Meg Imperial.

“May comedy aspect sa ‘D’ Originals.’ Hindi lang basta dramahan, makikita nila ‘yung light side ng buhay, matatawa ka sa sitwasyon, ‘yun ‘yung edge niya sa iba,” kuwento pa ni Archie.

Isang Christian na ngayon si Archie, kaya lahat ng mga nagawa niyang hindi maganda ay binago na niya lahat, kasama na roon ang pagiging unfaithful sa kanyang partner.

In short, malakas na ang resistance ni Archie sa anumang tukso na dumating sa kanya.

“’Yung Archie Alemania before, I’m a cheater talaga, I admit.

“Pero ngayon, dahil Christian na tayo, hindi na.

“Kasi why would you do it sa partner mo, bakit mo siya sasaktan ng ganoon kung ayaw mo rin namang gawin niya sa ‘yo ‘yon?

“Dahil magbagong buhay na tayo, no talaga, kahit premarital sex,” diin pa niya.

Dahil malapit na si Archie sa Panginoon, may mensahe na siya ngayon sa mga lalakeng nangangaliwa sa kanilang mga partners sa buhay.

“Message ko lang sa inyo, si God kasi is a just God.

“He will give you what’s due to you. If you cheat, siyempre may kapalit ‘yan. You won’t get the blessings na dapat para sa’yo.

“Para sa’kin lang, matakot ka sa Diyos,” pagtapos pa ni Archie Alemania. (RUEL J. MENDOZA)

comments