Home » Entertainment » Heart, planong magbuntis sa December

Heart, planong magbuntis sa December

7heart-evangelista-copy-copy

Sa December this year plano magbuntis ni Heart Evangelista. Aniya, planner talaga siya at lahat ng gusto niyang gawin ay nakaplano.

Dalawa ang upcoming TV shows ni Heart sa GMA7, “Follow Your Heart” at “Mulawin Vs. Ravena.” Mauuna ang airing ng FYH sa April 23 at sa May naman ang MVR.

Reality show ang FYH at sa isang episode naitinape nila, sasabak ang ilang real-life Kapuso couples sa challenges.

Kahit siya ang host, hindi ligtas si Heart sa challenge dahil sasabak din siya sa future episodes.

Excited naman si Heart sa role niya bilang Alwina sa “Mulawin Vs. Ravena.” Deadma lang siya sa bashers na hindi raw bagay sa kanya dahil malamya siya, di tulad ni Angel Locsin na original gumanap bilang Alwina. Pinintasan din ang costume ni Heart na mukha raw naka-diaper siya noong cast reveal sa “24 Oras.”

Pak na pak

Pak na pak ang theme song ng “D’Originals” na pinamagatang “Tukso Ka Ba?” Ang lakas maka-LSS (Last Song Syndrome).

Ang Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin ang kumanta na tagos sa listeners ang lyrics sa rami ng hugot.

Patungkol sa mga kabit at original wives ang tema ng “D’Originals” na tinatampukan nina Jaclyn Jose, Kim Domingo, LJ Reyes, Katrina Halili, Meg Imperial at Lovely Abella. Kasama rin sina Mark Herras, Jestoni Alarcon at Archie Alemania. Napapanood ang “D’Originals” sa GMA Afternoon Prime bago mag-“Wowowin.”

Socially aware

Si Gabbi Garcia ang April cover girl ng isang glossy magazine. Nagkaroon siya ng pagkakataong iparating sa kanyang fans ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malasakit sa ating bansa.

Anang “Encantadia” star, bilang isang artista ay may responsibilidad siya na maging role model sa mga taong nanonood ng kanyang programa. “You have to be aware of what’s happening, especially in the Philippines. What’s happening in our administration in terms of crime and everything,” lahad ni Gabbi.

Maganda ang feedback ng readers dahil may matututunan ang mga kabataaang gaya ni Gabbi na socially aware sa mga kaganapan sa ating bansa.

Samantala, subaybayan ang mga kapana-panabik na mga kaganapan sa “Encantadia.” Nakakahalata na si Alena (Gabbi) sa lihim na pagtitinginan nina Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid) at Ariana (Arra Sa Agustin). Parang may kurot sa puso ni Alena.

comments