Home » News » News Roundup » Dating OFW, binaril sa ulo

Dating OFW, binaril sa ulo

Patay ang isang dating overseas worker nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong lalaki sa Marikina City noong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Roberto Dumlao, 67, residente ng Barangay Jesus De la Pena , Marikia City, dahil sa tama ng bala sa ulo at kaliwang braso.

Base sa report na nakarating sa Eastern Police District, naganap ang insidente dakong 9 p.m., Miyerkules. Ayon sa witnesses, apat na salarin na nakatakip ang mukha at nakasakay sa motorsiklo ang biglang huminto sa Capt. Sendo Street, Barangay Jesus dela Peña, at naglakad sa papunta sa isang makitid na kalye.

After a few minutes, nakarining ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril. Maya-maya pa nakita nilang sumakay muli ang mga salarin sa kanilag motorsiklo at dali-daling umalis.

Napag-alaman na nakipagtalo ang biktima sa may-ari ng kaniyang inuupahang bahay noong isang linggo. Patuloy pang iniimbestigahan ng police ang insidente. (Madelynne Dominguez)

comments