Home » News » News Roundup » Girl, 14, patay sa stray bullet

Girl, 14, patay sa stray bullet

Patay ang isang 14-year-old girl nang tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Manila, noong Miyerkules ng gabi. Binawian ng buhay ang biktimang si Jezell Mallari, residente ng New Antipolo Street, Barangay 213, habang ginagamot sa Ospital ng Tondo dahil sa tama ng bala sa ulo dakong 3:50 a.m.

Base sa investigation, dalawang lalaking nakamotorsiko ang lumitaw sa New Antipolo Street banding 6:31 p.m., at bilang pinaputukan ng back rider ang isang “Amang” na naglalakad noon sa kalye.

Si Mallari ang tinamaan ng bala sa halip na si Amang, ayon sa police report. Mabilis na tumakas ang mga salarin papuntang Jose Abad Santos Avenue.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang police para matukoy at maaresto ang mga suspek. (Analou de Vera)

comments