Home » Entertainment » 2 aktres, nagpapatalbugan!

2 aktres, nagpapatalbugan!

22MARIAN copy copy

Ang engagement ring ang agad hinanap ng press kay Ai-Ai delas Alas nang dumating siya sa presscon ng “Our Mighty Yaya” na ginanap sa Valencia Events Place.

“Hindi ko suot,” nakangiting sabi ng Comedy Queen. Aniya, next year pa ang kasal nila ng fiance’ niyang si Gerald Sibayan na ‘andun din sa presscon. Nag-iipon pa sila.

Ani Ai-Ai, ang daming nag-volunteer na mag-i-sponsor sa kanilang wedding. Walo na sa huling bilang niya, isa na ang “kambal” niyang si Marian Rivera. Sagot nito ang kanyang wedding gown at bridal bouquet.

Samantala, inamin ni Ai-Ai na close to her heart ang “Our Mighty Yaya.” Lumaki siya sa yaya na hanggang ngayon ay nasa kanya pa. Naging yaya rin ito ng mga anak niya at inalagaan din nito ang kanyang ina.

Diyan makikita kung gaano kabait at mabuting amo si Ai-Ai. Hindi magtatagal ang isang yaya o kasambahay kung hindi maganda ang trato ng amo sa kanya.

Angel at hindi yaya ang Tawag ni Ai-Ai dahil katwiran niya, ito ang nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanila. Malaking bagay ang pagseserbisyo nito bilang yaya.

Sa “Our Mighty Yaya,” naranasan ni Ai-Ai maging yaya. Isa siyang mapagkalinga at mapagmahal na yaya ng tatlong anak ng isang sosyal na pamilya. Napalapit siya sa mga bata na kinainggitan ng stepmom (Megan Young) ng mga ito.

Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment ang “Our Mighty Yaya” na showing on May 10 sa mga sinehan nationwide. Tampok din sina Zoren Legaspi, Sofia Andres, Alyson MacBride, Beverly Salviejo, atbpa. Directed by Jose Javier Reyes.

Cheap

Never-ending ang isyu kina Marian Rivera at Heart Evangelista. Dahil sa kapopost nila sa social media ng mga expensive branded na gamit nila, (bags, shoes, dress, etcetera), nagpapatutsadahan ang respective fans nila.

Pinagkukumpara ang presyo, sino ang mas carry magsuot, sino ang mas fashionista, sino ang baduy. ‘Kaloka!

Ang dating sa netizens, nagpapatalbugan sina Marian at Heart. Ang latest issue sa kanila, may nag-comment na fake ang branded t-shirt ni Marian na kapareho ng kay Heart. Cheap, huh! Nag-react ang personal shopper ni Marian na diumano’y ikinunsulta pa sa abogado ang paninirang ‘yun.

comments