Home » News » News Roundup » Korean, nahulog mula sa condo

Korean, nahulog mula sa condo

Patay ang isang Korean nang mahulog mula sa veranda sa third floor ng isang condominium sa Pasay City kahapon ng umaga.

Kinilala ng police ang biktima na si Taehyong Kim, pansamantalang tumigil sa Unit 1240 Park Avenue, Pasay City. Kaagad siyang binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Base sa investigation, naganap ang insidente sa third floor ng Park Avenue Mansion na matatagpuan sa Park Avenue, Pasay City.

Ayon sa pahayag ng mga tenants sa third floor ng condominium, nagulat sila nang makarinig ng malakas na lagabog mula sa veranda.

Kalaunan, nakita nila ang Korean na duguang nakahiga sa jogging path sa labas ng naturang building.

Sinabi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District na half naked ang biktima, indikasyon na kagigising lamang niya nang mahulog siya.

Patuloy na nagsasagawa ng investigation ang police para malaman kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. (Jean Fernando)

comments