Home » Entertainment » Lyn Ching recalls close encounter with Hugh Jackman

Lyn Ching recalls close encounter with Hugh Jackman

Memorable experience para sa TV host na si Lyn Ching-Pascual ang kanyang close encounter kay Hugh Jackman, na kilala sa pagganap bilang si Wolverine sa “X-Men” movie series at sa recent Hollywood movie na “Logan.” Nakausap niya at na-meet si Hugh sa press junket at red carpet world premiere ng “Logan” sa Taiwan noong Pebrero, pero hanggang ngayon ay puno pa rin siya ng pagmamalaki sa Hollywood star.

Aminado si Lyn na umiral ang pagiging fan niya nang ma-meet niya si Hugh. Kahit bawal, nagawa pang makapag-selfie ni Lyn kay Hugh. Kuwento niya, “Yung selfie nangyari yun sa one-on-one interview. Pero bawal talaga. Ang linya ko sa kanya is, ‘I know that you are not allowed to take a selfie.’ Ganun pa lang ako, tapos sabi niya, ‘No, I can, we can,’ gumanun siya. Sabi niya, ‘Give me your camera because we have to do it fast.’ Binigay ko sa kanya agad ’yung phone ko, tapos pinicture na niya. Tapos ’yung dinala ko na “Wolverine: Old Man Logan” copy of the comic book, I want it signed. Kaya nung nagpunta kami sa red carpet, nakatambay lang kami tapos nung dumaan siya, ‘Hi, Hugh. Can I have you autographed this one?’ Talagang walang ni-ha, ni-ho, kuha lang siya, ‘Sure.’ He’s really so nice. And then I said, ‘Can I have a hug too?’ And then bineso niya ako. ’Yun ’yung beso na kumalat sa social media at nag-viral.”

Samantala, bukod sa kasiyahan na maka-interview ng Hollywood celebrities, ine-enjoy din daw ni Lyn kapag kinukuha siyang celebrity influencer lalo na nga’t very active siya sa social media. Kasalukuyang pino-promote ni Lyn ang Trangkaseason public health information campaign para kumbinsihin ang pamilyang Pinoy na magpa-vaccine kontra sa flu virus bilang paghahanda sa padating na flu season sa June to November.

Sinisigurado rin ni Lyn na magpa-flu vaccine sila ng asawa niya at dalawang anak every year. (Glen P. Sibonga)

comments