Home » Entertainment » Diego, Sofia refuse to label relationship

Diego, Sofia refuse to label relationship

Ayaw pa ring lagyan ng label nina Diego Loyzaga at Sofia Andres ang kanilang relasyon sa ngayon.

“Friends who love each other,” ang sagot ni Diego nang matanong sa presscon ng Pusong Ligaw kung sila ba ni Sofia ay friends or lovers.

So, ano na nga ang relasyon nilang dalawa? “Kailangan ba lagyan ng label? Hindi e, sa panahon ngayon hindi na kailangang lagyan ng label yung mga iyan e. Basta kami nagkakaintindihan kami. Iyon naman ang mahalaga, di ba?” sabi pa ng young actor.

Gaano na lang niya kamahal si Sofia? “Okay, ganito na lang, dalawang taon kaming nagsama halos araw-araw dahil sa proyektong ito, tapos may pelikula pa kami yung Bloody Crayons. So, kilala ko na si Sofia nang buong-buo. Yung friendship namin is the closest friendship we can have with another person.”

Paano naman ide-describe ni Sofia ang relasyon nila ni Diego? “Yung status namin po… kami po talaga nagkakaintindihan kami kasi iyon ang mas importante ngayon. Kasi parehas naming gusto yung ginagawa namin, parehas yung pangarap namin na eto magkaroon ng teleserye. I’m very happy na nandiyan siya lagi for me, yung suporta niya nararamdaman ko talaga,” ani Sofia.

Dagdag pa ni Diego, “May usapan kasi kami ni Sofia na magtutulungan kaming dalawa. It don’t have to have a label, walang label, basta magtutulungan kaming dalawa para abutin yung mga pangarap namin.”

Unti-unti na nga nilang naaabot ang pangarap nila para sa kanilang career lalo na ngayong ilu-launch na ang kanilang tambalan sa sarili nilang teleserye, ang “Pusong Ligaw”. Pareho raw nilang ipinagdasal ito at nagpapasalamat sila sa ABS-CBN at Star Creatives sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Kasama nila sa cast sina Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, Raymond Bagatsing, at Enzo Pineda. Sa direksyon nina GB Sampedro, Elfren Vibar, at Henry King Quitain, ang Pusong Ligaw ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon sa ABS-CBN simula sa April 24. (Glen P. Sibonga)

comments