Home » Entertainment » ‘I’m so inspired!’ – Eugene Domingo

‘I’m so inspired!’ – Eugene Domingo

eugene-domingo-copy-copy

Hindi kataka-takang blooming ang award-winning comedienne na si Eugene Domingo dahil hindi zero ang lovelife niya ngayon.

Kelan lang ay binisita ang star ng programang Dear Uge ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni dito sa Pilipinas para i-celebrate nito ang kanyang 57th birthday.

Magkasama ang dalawa noong nakaraang Holy Week sa isang private beach resort sa Bataan.

Naging open na si Uge sa kanyang lovelife noong nakaraang December 2016 lamang nang aminin nito sa media na in love siya at ang naturang Italian film critic ang nagsisilbing inspirasyon niya ngayon.

In fact, nakasama na ni Uge ang pamilya ni Danilo noong nakaraang Christmas sa Italy.

Kahit na 12 years ang agwat ng edad ni Uge at Danilo, age doesn’t matter para sa dalawa dahil natagpuan na ni Uge ang kanyang matatawag na “forever”.

Masaya ang mga close friends ni Uge dahil nakikita na nilang masaya at makulay ang lovelife nito.

Umaasa sila na balang-araw ay mararanasan na ni Uge ang ikasal in real life.

Pero mukhang wala pa muna sa isipan ni Uge ang pagpapakasal dahil enjoy ito sa kanyang weekly comedy anthology show na Dear Uge na umaani ng mataas ng ratings.

Looking forward si Uge sa kakaibang concept ng mga episodes nila every week sa Dear Uge na inaabang ng maraming televiewers.

“I’m so in love with my work. I’m so inspired with making people happy. And I have accepted the fact na my mission in life is to make people at least smile ‘di ba.

“’Yun lang masaya na ako. Wala na akong hinihiling more than what I have now.

“It’s just that every day I want people to smile. I want my audience to be happy, sincerely.

“Nakakatuwang makita ang maraming masaya dahil natuwa sila sa show namin,” ngiti pa ng inspired na Eugene Domingo.
(Ruel J. Mendoza)

comments