Home » Entertainment » Angel and Neil, friends in love?

Angel and Neil, friends in love?

30Angel Locsin1 instagram copy

As expected, present si Neil Arce sa birthday asalto for Angel Locsin on April 22 na ginanap sa Tipsy Pig Gastropub, Capitol Commons, Pasig City. April 23 ang talagang birthday ni Angel who turned 32.

Sa post ni Angel sa social media, pinasalamatan niya ang lahat ng nagpunta at ang mga may pakana ng birthday surprise for her.

May pahiwatig naman si Neil sa social media tungkol sa 7 years friendship nila ni Angel at excited siya sa susunod na mangyayari. Pasasaan ba’t lalabas din ang katotohanan sa totoong estado ng kanilang relasyon. Abang-abang na lang kapag may time.

Sigurado

Magse-seven years na together sina Mikael Daez at Megan Young. At going strong ang kanilang relasyon. Pero wala pa silang balak magpakasal.

Ani Mikael, sigurado na siyang si Megan na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Carry naman nilang ibalanse ang career at lovelife na walang kailangang isakripisyo. Tanggap ang tandem nina Mikael at Janine Gutierrez sa “Legally Blind.” Hindi isyu kay Megan ang passionate kissing scene ng dalawa at cool lang siya. Walang selos factor. Pinaaabangan nga pala ni Mikael ang matitinding kaganapan sa “Legally Blind.” Lalong tumitindi ang obsession ng kapatid niyang si William (Marc Abaya) kay Grace (Janine Gutierrez).

Walang arte

Mapapanood si Megan Young sa “Our Mighty Yaya,” Mother’s Day offering ng Regal Entertainment. Maaga siyang dumating sa presscon na isa-isa niyang nilapitan at binati ang showbiz press.

Mas sumeksi si Megan na ang liit ng kanyang bewang (20 or 21 inches siguro). Pantay ang pagka-tan niya, sanhi ng pagbi-beach niya noong nag-bakasyon sila ni Mikael Daez sa Maldives noong nakaraang Holy Week.

Samantala, puring-puri si Megan ni Ai-Ai delas Alas na kasama niya sa “Our Mighty Yaya.” Anang Comedy Queen, napaka-friendly ni Megan. “Napakabait niya. Walang arte. Professional. Masarap at magaan katrabaho,” saad ni Ai-Ai.

Sabi naman ni Megan, kapag magkaeksena sila ni Ai-Ai ay hindi siya makapag-focus sa kanyang karakter. “Masungit ang karakter ko. Pero natatawa ako kapag magkaharap na kami. Comedy Queen kasi ang ka-eksena ko,” sambit ni Megan.

Tipong kontrabida ang role niya sa OMY at stepmom siya ng tatlong anak ng kanyang older husband. In real life, hindi pa siya handing magkaroon ng sariling anak, ani Megan. Hopeful siya na si Mikael Daez na ang magiging forever niya at magiging ama ng mga magiging anak niya.

Showing on May 10 ang “Our Mighty Yaya” sa mga sinehan nationwide.

comments