Home » Entertainment » Kim and Gerald happy to be reunited

Kim and Gerald happy to be reunited

Masayang-masaya sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa kanilang balik-tambalan para sa pinagbibidahan nilang bagong ABS-CBN daytime teleseryeng “Ikaw Lang Ang Iibigin.” Matagal na panahon din ang nagdaan na hindi sila nagsama sa isang proyekto lalo na matapos ang hindi nila magandang breakup bilang mag-boyfriend noon, na nagresulta rin sa pagkakabuwag ng tambalan nila. Ngayon nga ay muling nabuo ang Kimerald loveteam.

“Personally, masaya lang ako na mayroon akong ganitong oportunidad na siyempre makasama ulit si Kim. Kasi simula pa lang ng career ko, kung nasaan man ako ngayon, si Kim po ’yung nakasama ko, so I’m taking this opportunity as a gift from God, at opportunity na makasama siya ulit. Sobrang masaya lang ako and privileged,” sabi ni Gerald.

Paglalahad naman ni Kim ng kanyang saloobin, “Siyempre una, awkward talaga kasi hindi naman kami super friends nito e. Hi and hello lang kami sa ASAP, tapos ba-bye. Tapos ’yung mga eksena namin chummy-chummy, so parang, ‘Hala, after so many years… sige, gawin na natin ito.’ Pero nakakatuwa na pareho kaming professional. Medyo awkward din sa mga tao na kaharapan namin, lalo na noong una kasi siyempre alam naman nila ’yung nangyari sa amin, ’yung hindi masyadong kagandahang ganap. Pero okay na ngayon, at least ngayon natuto na kami, mas professional na kami. I’m very happy na ’yung time na ’yun nangyari before pa and mga bata pa kami. At least ngayon natuto na kami. May isa rin akong moral lesson na natutunan sa mga nangyari na iyon na hindi ka magiging fully masaya kung hindi ka marunong magpatawad. Kasi hindi naman ’yung tao ang kalaban mo doon kundi ’yung sarili mo. Mapapagod ka lang, magagalit ka, iiwasan mo ’yung tao, magsasabi ka ng masama. Why not just forgive the person and just go on with your life, mas happy ’yung pakiramdam. Look at us.”

Natitiyak din nila na matutuwa ang Kimerald fans sa kanilang pagbabalik-tambalan. “Ang tagal na rin naming hindi nagsama. But at the end of the day it will be inevitable at magkakasama ulit kami. Masyado pong marami ang mga sumuporta sa amin para hindi pagbigyan ’yung mga fans namin dati, and they really deserve it,” ani Gerald.

Ginagampanan nina Kim at Gerald sa serye ang roles nina Bianca at Gabriel, dalawang triathlete na mag-iibigan. Kasama nila sa cast sina Jake Cuenca, Coleen Garcia, Gina Pareno, Bing Loyzaga, Ayen Munji-Laurel, Michael de Mesa, Daniel Fernando, Dante Rivero, Grae Fernandez, Andrea Brillantes, at Ivan Carapiet. Sa direksyon nina Dan Villegas at Onat Diaz, ang “Ikaw Lang Ang Iibigin” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago mag-”It’s Showtime” sa ABS-CBN simula sa May 1. (GLEN P. SIBONGA)

comments