Home » Entertainment » Thea, bashed and praised for her role in ‘Destined To Be Yours’

Thea, bashed and praised for her role in ‘Destined To Be Yours’

By Ruel J. Mendoza

Mixed reviews ang natatanggap ng Kapuso actress na si Thea Tolentino dahil sa kanyang pagganap bilang si Trish sa GMA-7 teleserye na “Destined To Be Yours”.

May mga fans na naiinis kay Thea dahil sa pagiging hadlang daw nito sa pagmamahalan nila Benjie (Alden Richards) at Sinag (Maine Mendoza).

Pero may mga pumupuri naman kay Thea dahil sa husay niyang pagganap bilang isang kontrabida sa buhay ni Sinag at sa pagmanipula sa relasyon nila ni Benjie.

Professional lang si Thea at bilang aktres, hindi ito nagpapaapekto sa mga sasabihin ng mga die-hard fans nila Alden at Maine.

“Trabaho lang naman po ito. Ginagawa lang natin ito dahil professional po tayo.

“Aware po ako sa mga reactions at comments ng mga fans sa social media. Merong mga nakakatuwa at meron din mga below-the-belt. Medyo personal na po ang atake ng ilan sa akin.

“Pero iniisip ko naman po na ang kinaiinisan nila ay ang character kong si Trish at hindi ako as Thea Tolentino.
“Nakakatuwa rin kasi effective pala ang ginagawa ko.

“Kung mainis ko po ang kahit dalawa or tatlong tao sa pagi-ging kontrabida ko sa teleserye, parang successful na ako sa ginagawa ko.

“Kaya open naman po ako for criticisms. Lalo na sa mga susunod na episodes, may mga pagpapahirap ako na gagawin pa kay Sinag,” ngiti pa ni Thea.

Naging mas close na raw sila ngayon ni Maine dahil parati si-lang may eksenang magkasama.

“Super bait ni Maine. Hindi ko akalain na magiging close ka-ming dalawa sa trabaho.

“Tsaka sobra ang energy niya sa set. Kahit na pagod na kaming lahat sa mabigat na eksena, makikita mo pa rin ang pagi-ging bubbly ng personality niya. Parang hindi siya napapagod at all,” pagtapos pa ni Thea Tolentino.

comments