Home » Entertainment » Ai-Ai, hoping na magkaanak uli

Ai-Ai, hoping na magkaanak uli

AIAI-MARIAN copy copy

Balik-“Encantadia” si Marian Rivera bilang Hara Mine-A. May panibagong twist sa istorya ng “Encantadia” sa pagbabalik ni Marian. Naka-warrior costume siya at mukhang kalaban siya ng mga sang’gre. Magandang abangan ang mga kaganapan.

Dinig namin, babalik din ang karakter ni Dingdong Dantes bilang Raquim.

May upcoming show si Marian, “The Good Teacher,” gayun din si Dingdong. Magkakaroon ng part two ang “Alyas Robinhood.”

Bitin kasi ang ending nito kung saan hinahabol ni Alyas Robinhood ang nanay niyang si Jaclyn Jose.

Susubok

Magta-try si Megan Young na makapasok sa Hollywood. Paalis siya sa July this year para mag-workshop muna roon.

Anang Miss World 2013, may agency sa Hollywood ang management company niya rito sa Pilipinas at hinikayat siyang subukan ang acting sa ibang bansa. Mag-a-audition siya. Pumirma siya ng five-year contract sa Innovative Artist Company na mamamahala sa kanyang international career.

Kung mabigyan siya ng opportunity, thank you. Kung wala, at least daw ay nag-try siya.

Mapapanood si Megan sa “Our Mighty Yaya” na showing on May 10. Mother’s Day offering ito ng Regal Entertainment, topbilled by Ai-Ai delas Alas with Zoren Legaspi, Sofia Andres, Beverly Salviejo, among others. Directed by Jose Javier Reyes.

Asa pa

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Ai-Ai delas Alas na magkakaanak pa rin siya sa edad niyang 53. May mga makabagong paraan na raw ngayon para mabuntis ang isang babae kahit past 50 years old na.

Can afford naman si Ai-Ai gumastos ng malaki, mabuntis lang siya. Next year ang church wedding nila ng fiance’ niyang si Gerald Sibayan.

Samantala, busy-bisihan ang Comedy Queen sa promotion ng “Our Mighty Yaya.” Sana raw ay suportahan ang kanyang pelikula. Mga bagong pakulo at pasabog ang hatid nito sa moviegoers.

Post pa more

Pati ang mag-asawang Senator Manny at Jinkee Pacquaio, nag-post na rin sa social media ng isang brand ng t-shirt na iniintrigang respective fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Wala naman sigurong kukuwestiyon kung fake o original ang branded t-shirt ng Pacquiao couple. Bilyonaryo sila at can afford bilhin kahit ano pang brand ng t-shirt, damit, sapatos, atbpa.

‘Yung iba kayang celebrity, may gano’n din kayang brand ng t-shirt na pinagdedebatehan ng fans nina Marian at Heart?

Ano naman kayang branded stuff ang magkaparehong ipopost ng dalawang Kapuso stars? Post pa more! Intriga pa more!

comments