Home » News » News Roundup » Ex-convict, pinaslang

Ex-convict, pinaslang

Patay ang isang ex-convict nang pagababarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Kaunlaran Street, Barangay Commonwealth, Quezon City, bandang 11 a.m. noong Martes.

Dead on the spot si Louie Lebusta, 31, ng Everlasting Street, Barangay Payatas, QC, dahil sa dami ng balang tumama sa kaniyang katawan.

Ayon sa police, natagpuang patay si Lebusta matapos makarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril.

Isang witness ang nagsabi na nakita niya ang isang lalaking armado ng baril na sumakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasapakat at mabilis na tumakas.

Sinabi ng police na nagtamo si Lebusta ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Na-recover sa crime scene ang 11 basyo ng bala.

Sinabi sa police ng ama ng biktima na si Artemio na kakalaya lamang ng kaniyang anak mula sa pagkakakulong dahil sa isang robbery case.

Inaalam pa ng authorities kung may kinalaman sa kaniyang paglaya ang pagpatay sa kaniya. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments