Home » Entertainment » Iza thankful to boyfriend for supporting her R-18 movie

Iza thankful to boyfriend for supporting her R-18 movie

22iza-calzado-copy-copy

Naging kontrobersiyal ang pelikulang “Bliss” ni Iza Calzado matapos itong bigyan ng X rating ng MTRCB sa first review. Pero ibinaba ito sa R-18 without cuts matapos ang second review. Ganito ang naging rating nito dahil sa mature content ng psychological thriller movie na ito gaya ng sexual acts, nudity, at strong adult theme and language.

Gayunpaman, espesyal kay Iza ang “Bliss” dahil ito ang nagbigay sa kanya ng kauna-unahang international acting award niya matapos siyang parangalan ng Yakushi Pearl Award for Best Performer sa Osaka Asian Film Festival 2017 sa Japan noong Marso. Kaya naman masayang-masaya si Iza na magkakaroon na ito ng nationwide screening dito sa Pilipinas.

Ikaka-shock ng moviegoers ang ilang mga sensitibong eksena at maging ang nude scene ni Iza sa pelikula. Paano siya napapayag na gawin ito? “I just thought that it’s time for me to do something different and level up. But I didn’t do this film just to do that (nude scene) ha, may reservations nga ako doon. It’s not like, ‘Hey, I wanted to be perceived as this naghuhubad kind of actress.’ No, it’s not that. Kinailangan talaga siya for that specific shot e.”

Napanood na ba ito ng boyfriend niyang si Ben Wintle at ano ang naging reaksyon nito? “Yes, definitely. And he’s a supporter, a very open-minded man, so he doesn’t care,” sabay tawa ni Iza.

Bukod kay Ben, nagpapasalamat din si Iza sa suporta ng kanyang fans para sa “Bliss.” “I think my fans are also mature enough to understand that this is work. And I have a fan-base they are called IZAdorations. Some of them have seen it and they are very supportive. Importante sa akin yung opinyon nila because they really supported me for years. And so far their reactions were positive.”

Kasama rin sa cast sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Adrienne Vergara, Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, at Audie Gemora. Produced by TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, and Artikulo Uno Production) and distributed by Quantum Films, ang “Bliss” ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa May 10. (GLEN P. SIBONGA)

comments