Home » News » News Roundup » 1 patay, 3 sugatan sa Tondo shooting

1 patay, 3 sugatan sa Tondo shooting

Isang tricycle driver ang patay habang tatlong iba pa ang sugatan nang mamaril ang dalawang motorcycle-riding gunmen sa Tondo, Manila, matapos maghatinggabi kahapon.

Kinilala ng police ang napatay na si Miguel Perez, 31, nakatira sa Velasquez Street, Tondo. Ang mga nasugtan ay sina Marlon Clemente, 29, Crisanto Francisco, 21, at isang Joshua Carbonel, 28, na naka-confine pa rin sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ayon sa police.

Base sa investigation, naganap ang insidente sa tapat ng Kevin Roaster Chickens na nasa kanto ng Capulong at Velasquez Streets dakong 12:05 a.m.

Naghihintay ng mga pasahero sina Perez at Clemente nang biglang dumating ang dalawang lalaking nakamotorsiklo at nakasuot ng helmet at pinaputukan ang dalawang biktima, pahayag ni SPO4 Glenzor A. Vallejo, investigator ng Manila Police District homicide division.

Kapuwa nagtamo ng tama ng bala sina Perez at Clemente sa katawan, ayon kay Vallejo. Tinamaan din ng bala sa dibdib si Francisco na napadaan lamang matapos magbaba ng pasahero; habang nagtamo ng gasgas sa ulo si Carbonel nang mahagingan ng bala habang nakatayo sa naturang lugar. (Analou De Vera)

comments