Home » Entertainment » Ai-Ai, 2 beses magpapakasal

Ai-Ai, 2 beses magpapakasal

heart foto copy copy

Coincidence kaya na parehong wala pang anak ang ex-sweethearts na sina Jericho Rosales at Heart Evangelista sa respective spouses nilang sina Kim Jones at Senator Chiz Escudero?

Three years nang kasal sina Jericho at Kim, two years naman sina Heart at Sen. Chiz.

Coincidence rin kaya na parehong may anak sina Jericho at Sen. Chiz sa kanilang former respective relationships? May 19 year old-son si Jericho sa isang non-showbiz girl, samantalang kambal naman ang anak ni Sen. Chiz sa kanyang first wife na dating miyembro ng isang defunct TV show.

Sa isang interbyu, sinabi ni Jericho na wala pang plano silang mag-asawa na magkaanak. May mga priority pa sila at dapat daw ay nasa right timing ang pagkakaroon nila ng baby.

May pahayag naman si Heart sa isang interbyu na plano niyang magbuntis sa December this year. For now, nag-e-enjoy siya sa pagiging stepmom sa kambal ng kanyang hubby.

Afraid?

Tikom ang bibig ni Jennylyn Mercado kapag tungkol sa kanyang lovelife ang itinatanong ng press sa kanya. Panay ang iwas niya. Pero panay naman ang post niya at ni Dennis Trillo ng pictures nila sa social media.

Kasal na lang ang kulang sa kanilang relasyon. Mistulang honeymooners sila sa travels nila here and abroad. Afraid kaya si Jennylyn na maudlot ang kanilang kasal kung magsasalita siya tungkol sa relasyon nila ni Dennis?

Kapamilya na ang turing sa kanyang pamilya ni Dennis. Gayun din ang daddy ni Jen kay Dennis. Kasama pa ni Jen si Dennis nang sunduin nila ang kanyang daddy sa Korea. Magkasama na ang mag-ama sa bahay ni Jen at panay ang bonding moments kasama si Dennis. May common interest ang daddy ni Jen at si Dennis. Pareho silang mahilig sa musika. Dating miyembro ng isang banda ang daddy ni Jen.

2 beses magpapakasal

Twice magpapakasal si Ai-Ai delas Alas sa fiance’ niyang si Gerald Sibayan. Mauuna ang kanilang civil wedding sa USA sa November this year na birth month ng Comedy Queen.

Next year ang kanilang church wedding sa Pilipinas. Thankful ang star ng “Our Mighty Yaya” sa blessings sa kanya ni Lord. May lovelife siya at bonggang career. Ano kaya’ng reaction ng dati niyang BFF (best friend forever) na si Kris Aquino?

comments