Home » Entertainment » Gabby, Ryza sa ‘Full House Tonight’

Gabby, Ryza sa ‘Full House Tonight’

Habang papainit ang summer, papainit rin ang tawanang handog ng “Full House Tonight”, lalo na ngayong Sabado ng gabi dahil makikigulo sa Team Full House sina Rome at Georgia ng “Ika-6 na Utos”. Makakasama ng Songbird Regine Velasquez-Alcasid sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon sa mga nakakawindang na sketches at iba pang kalokohan. Abangan ang “Full House Tonight” version ng Ika-anim na Utos entitled Ika-pitong Utos.

Si Gabby Concepcion sasali sa frat nina Joross Gamboa, Boobay, Terry Gian, Philip Lazaro at Tetay.

Si Solenn Heusaff sasabak sa rock music, kasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Idadgdag pa diyan si Sang’gre Alena (Gabbi Garcia) na makakasama ni Regine sa isang musical number.

Huwag palampasin ang umaatikabong tawanan, plus biritan to the highest level ngayong Sabado ng gabi sa “Full House Tonight” pagkatapos ng “Magpakailanman” sa GMA7.

comments