Home » Entertainment » Is Rachelle Ann Go finally in love?

Is Rachelle Ann Go finally in love?

29rachel copy

Ginulat at ininggit ng singer-theater actress na si Rachelle Ann Go ang maraming netizens dahil sa pag-post niya ng isang photo kunsaan may kayakap siyang isang lalakeng foreigner.

Walang anumang pangalan na nilagay si Rachelle regarding sa lalakeng kayakap niya. Wala ring caption sa naturang photo. Makikita lang ay ang matamis na ngiti at kislap ng mga mata ng singer na halatang in-love ito ngayon.

Kaya naman pahulaan sa social media kung sino ang guwapong lalake na kayakap ni Rachelle sa kanyang Instagram photos.

Sa pag-investigate ng ilang followers ng singer, Martin Spiel daw ang name ng guy.

Ilang beses na palang naging prominent figure si Martin sa ilang photos na pino-post ni Rachelle sa Instagram.

Nakita na silang magkasama noong magbukas ulit sa New York City ang hit stage musical na Hamilton sa Richard Rodgers Theatre.

Magkasama rin sila sa isang pamamasyal ni Rachelle kasama ang ilang kaibigan sa Brooklyn, New York.

Date din ni Rachelle si Martin sa opening party ng Miss Saigon in Broadway sa Tavern On The Green sa Central Park.

Tila ayaw magbigay ng anumang clue si Rachelle kung boyfriend na ba niya si Martin.

Pero sa bawa’t photo nila na magkasama, kitang-kita sa mga ngiti at kislap ng kanyang mga mata na in-love ito at parang nahanap na nito ang kanyang forever.

Noong pa naman naghahanap si Rachelle ng kanyang magiging inspirasyon at mukhang natagpuan na niya ito.

Kaya ang ibang netizens, binabalato na lang kay Rachelle ang hiling nitong konting privacy sa kanyang lovelife ngayon.

Na-link romantically noon si Rachelle sa mga singers nasina Christian Bautista, Mark Bautista, Kean Cipriano at Erik Santos.

Na-link din siyasi Rachelle sa mga actor na sina John Prats at AljurAbrenica. (Ruel Mendoza)

comments