Home » Entertainment » Xian Lim gears up for his second major concert

Xian Lim gears up for his second major concert

30xian copy

Naghahanda na si Xian Lim para sa kanyang second major concert na “Songs In The Key Of X”, produced by KATG and line produced by Cornerstone Concerts. Gaganapin ito sa July 15, 2017 sa The Theater at Solaire.

Ito ang kasunod ng kanyang concert noong isang taon sa KIA Theater na “A Date With Xian”.

Sinimulan nga niya ang pagha-handa sa pamamagitan ng pictorial para sa kanyang concert na ginanap kamakailan sa Edward dela Cuesta Photography Studio, kung saan namin siya na-interview.

Ano ba ang kaibahan ng “Song In The Key Of X” sa nauna niyang concert? “I guess ang pinaka-difference niya is I wanna show my personal journey, the songs are really close to me, songs that I grew up with. So, iba ’yung line up ng songs, iba rin ’yung magiging feel of this concert,” sabi ni Xian.

Ano pa ’yung pwede niyang i-share na mae-expect ng mga tao sa concert niya? “Definitely, mayroon akong grand piano.

I’ve always been so passionate with the piano.”

May pressure ba siyang nararamdaman lalo na’t naging successful ang first concert niya? “Always mayroong pressure, but it’s a good kind of pressure. Kasi kung walang pressure parang chill ka lang. Hindi pwedeng chill e, ako pa naman I always want to offer something new, and I always want to show people what I can do.”

Hands on daw si Xian sa concert na ito pati na rin sa pagpili ng guests. Magge-guest ba si Kim Chiu sa kanyang concert? “Si Kim, she guested last year. Pero ngayon kasi wala pa kaming final line up ng guests.”

Maging guest man o hindi si Kim, isa raw ang sigurado ni Xian. “Of course, she will be invited to watch.”
(Glen P. Sibonga)

comments