Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » NPA attacks Quirino police station

NPA attacks Quirino police station

Sinalakay ng suspected New People’s Army rebels ang Maddela Police Station sa Quirino noong Sabado ng gabi.

Isang police ang namatay sa pagsakalay na naganap 10 p.m.

Sinabi ni Supt. Avelino Cuntapay, spokesperson ng Quirino police, na dumating ang mga NPA sakay ng isang truck at dalawang van.

Pinaputukan ng mga NPA ang police station na ikinasugat ng isang nagbabantay na police.

Nanlaban ang mga police pero sila ay naubusan ng bala, dahilan upang mapasok ng NPA ang police station.

Tumagal ang labanan ng 45 minutes at tumakas ang mga NPA tangay ang patrol cars ng police station, mga baril, at dalawang personnel nito.

Dinala ang nasugatang police na nakilalang si PO2 Jerome Cardenas sa hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Natagpuang abandoned ang patrol cars at nabawi ang dalawang pulis sa Barangays Cabua-an at San Pedro sa Maddela. (Liezle Basa Iñigo)

comments