Home » Entertainment » Barbie Forteza meets four new boys in ‘Meant To Be’

Barbie Forteza meets four new boys in ‘Meant To Be’

Marami ang naiinggit sa Kapuso Teen Queen Barbie Forteza dahil sa pagtambal niya sa apat na hunks sa GMA primetime teleserye na Meant To Be.

Nagkaroon na ng maraming fans ang mga leading men ni Barbie na sina Jak Roberto, Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan o mas kilala bilang ang JEYA Boys sa Meant To Be dahil sa pag-display nila ng kanilang mga abs sa TV.

Pero mukhang mapapalaban ang JEYA Boys sa pagpasok ng bagong apat na hunks sa kanilang teleserye na magkakaroon din ng gusto sa character ni Barbie na si Billy.

Sila ay walang iba kundi ang GAYA Boys na binubuo ng StarStruck VI graduates na sina Dave Bornea at Carl Cervantes at ang mga models-turned-actors na sina Vince Vandorpe at Matthias Rhoads.

Hindi ito ang unang teleserye ng Cebuanong si Dave Bornea. Una siyang napanood sa Alyas Robin Hood at every Sunday siyang napapanood sa Sunday PinaSaya.
Member din siya ng GMA boy band na One Up.

Si Carl Cervantes naman ay napanood na sa mga Kapuso shows na Dear Uge, A1 Ko Sa ‘Yo, Juan Happy Love Story at Magpakailanman.

Si Vince Vandorpe ay Filipino-Belgian model at ito ang unang teleserye niya. Two years pa lang siya naninirahan dito sa Pilipinas.

Si Matthias Rhoads ay Fil-American model na nagtrabaho bilang graphic artist sa New York. Una siyang nakilala dahil sa “Vow” TV commercial ng Jollibee. Lumabas na siya sa drama anthology ng GMA NewsTV na Karelasyon at isa siya sa judges ng reality-modeling competition na The Fiercest of Them All.

Dumaan sa acting workshop ang apat na bagong cast ng Meant To Be at excited na silang makaeksena si Barbie pati na ang makakaagaw nila rito na JEYA Boys. (Ruel J. Mendoza)

comments