Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Bagong STAR Tollway

Bagong STAR Tollway

BATANGAS (PIA) – Inaasahang magiging bagong growth area ang mga lugar na dadaanan ng isasagawang Star Tollway-Pinamucan Ibaba Bypass Road sa lungsod na ito.

Kabilang sa Phase 1 ang pagbubutas ng kalsada mula sa Brgy. Tingga itaas papuntang Calumpang River at diretso ng mga barangay ng San Pedro, Dalig, Dumantay, Sampaga, Dumuclay, Sirang Lupa, San Isidro, Mahabang Dahilig, Tabangao Ambulong, Tabangao Dao, Pinamucan Proper at Pinamucan Ibaba. Ito ay may habang 8.4 kilometers.

Mapapaluwag ng naturang proyekto ang kalsada sa kabayanan at bunsod nito ay malaking kabawasan din sa trapiko na halos araw araw ay nararanasan sa lungsod ng Batangas.

comments