Home » Entertainment » Dimples’ husband reveals adjusting to his showbiz wife

Dimples’ husband reveals adjusting to his showbiz wife

Inamin ng mister ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee na kailangan niyang mag-adjust sa pagkakaroon ng asawang artista.

“I’m a very private person. Takot ako sa showbiz (dati). Nag-adjust na lang ako,” rebelasyon ni Boyet nang mag-guest silang mag-asawa kasama ang bunsong anak na si Alonzo sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay”
Singit na pagbibiro ni Dimples, “Ayaw niya kaya akong ka-holding hands. Sabi ko sa kanya, ‘You’re not proud of me because you don’t want to hold my hand.’”

Nagkuwento pa si Boyet tungkol sa isang insidente nang magpunta sila sa Tiendesitas sa Pasig. “Kasi galing akong basketball game. So, wala kaming planong kumain sa labas, kumbaga after the game go home. Wala akong dalang damit, ang gamit ko lang ’yung shorts na ginamit ko tapos yung pampalit lang na t-shirt. And then sabi niya, ‘Let’s go to Tiendesitas.’ Doon sa parang tiangge-tiangge. Magkasama sila ni Callie (panganay nilang anak). So, talagang dugyutin ’yung hitsura ko tapos naka-tsinelas lang. Pagpasok namin… ako ang tendency ko iikot ako on my own, kasi if I’m gonna wait for them, dalawang babae sila, matagal sila e. Tapos pag-ikot ko, may tres marias doon na tindera nag-uusap-usap, nakita nila si Dimples from afar. ‘Ay, si Dimples pala.’ ‘Lagi iyan dito,’ sabi nung pangalawa. ’Yung pangatlo sabi niya, ‘Nakita ko ’yung asawa niyan, hindi kaguwapuhan.’ They‘re entitled to their own opinion. Normally, I shrug it off, pero natawa ako that time. Napahinto ako, sabi ko, ‘Te, ingat ka sa mga sinasabi mo, baka may makarinig sa iyo.’ Ginanun ko, pero nakatawa ako sa kanila.”

Hindi naman daw pinatulan ni Boyet ang mga tindera. Hindi rin daw niya ikinuwento ito agad kay Dimples dahil baka ito raw ang pumatol. Ngayon daw ay tinatawanan na lang nila ang insidenteng ito kapag binabalik-tanaw nila.

Sa tagal ng pagsasama nina Dimples at Boyet hanggang ngayon na may dalawang anak na sila, napanatili raw nilang matibay ang kanilang relasyon dahil tuloy-tuloy din ang pagiging magkaibigan nila pati na rin ang respeto nila sa isa’t isa. (GLEN P. SIBONGA)

comments