Home » News » News Roundup » 2 bangkay itinapon sa QC

2 bangkay itinapon sa QC

Dalawang bangkay ng lalaki ang itinapon sa isang bakanteng lote sa Quezon City noong Miyerkules.

Base sa police report, na-discover ng mga residente ang katawan ng dalawang di kilalang lalaki sa madamong lote sa Payatas Road, Group 5 area, dakong 8 a.m., Miyerkules.

May mga tama ng bala sa ulo ang mga biktima na parehong nakabalot ng packaging tape. Isang basyo ng bala ng .45-caliber pistol ang natagpuan malapit sa dalawang bangkay.

Sinabi ng police na isa sa mga biktima ay nasa edad 35-40, may taas na 5’5’’, at nakasuot ng gray T-shirt at camouflage-printed pants; at may mga tattoo na dragon at cross sa kanan at kaliwang braso.

Ang pangalawang bangkay naman ay nasa edad 30-35, 5’6’’ ang taas; at nakasuot ng white T-shirt at may mga tattoo sa katawan na “Fit or Fight, Brave MMA,” “Samantha” at “JKAIZZDL”.

Iniimbestigahan pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang insidente. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments