Home » Entertainment » Ai-Ai, magbabalik-Kapamilya?

Ai-Ai, magbabalik-Kapamilya?

6ai ai delas alas copy copy

Nag-react si Janine Gutierrez sa sinabi ni Senator Tito Sotto kay DSWD (Department of Social Welfare and Development) Secretary Judy Taguiwalo tungkol sa pagiging single parent nito.

Ayon sa star ng “LegallyBlind,” malaki ang respeto niya sa mga single mom na kinakaya ang mga responsibilidad para mapalaki nang maayos ang kanilang mga anak.

Single mom ang mother ni Janine na si Lotlot de Leon. Apat silang magkakapatid at napalaki sila nang maayos nito since naghiwalay ito and her dad, Ramon Christopher Gutierrez.

May iba pang celebrities at netizens ang nag-react sa pahayag ni Sen. Tito kahit nag-apologize na siya na aniya, joke lang niya ‘yun. Ang daming negative comments na nadamay tuloy ang anak niyang si Ciara Sotto. Single mom din daw ito dahil hiwalay sa asawa.

Mapanindigan kaya?

Mapanindigan kaya ni Ai-Ai delas Alas ang sinabi niyang celibate siya at no sex hanggang bago sila ikasal ng fiance’ niyang si Gerald Sibayan?

Ani Ai-Ai, napagdesisyunan niya ‘yun simula noong naging Papal Awardee siya October of last year.

Ibig sabihin at kapani-paniwala bang since then, hindi na sila nagse-sex ni Gerald? Live-inpartners sila. Magkasama sa isang bedroom at magkatabi sa isang kama.

Sa November this year ang civil wedding nina Ai-Ai at Gerald sa USA. Seven months pa ang ipagtitiis nila para sa no sex agreement nila.

Samantala, busy si Ai-Ai sa promotion ng “Our Mighty Yaya.” Last week ay nag-palengke tour siya. Nag-guest pa siya sa “Tonight with Boy Abunda” at pinasalamatan niya ang GMA Network at ABS-CBN na pinayagan siyang makapag-promote ng kanyang movie.

Sa bagay, si Boy ang tumatayong manager ni Ai-Ai. Mag-e-expire sa July this year ang kontrata niya sa Kapuso Network na ani Ai-Ai, si Boy ang bahalang mag-desisyon kung mananatili ba siyang Kapuso. O, magbabalik-Kapamilya siya.

Sila na?

Kahit parehong nag-deny sina Robi Domingo at Sandara Park na may “something” between them, persistent ang rumor na nagkakamabutihan sila. Mukhang happy heart again si Robi after ng break-up nila ni Gretchen Ho.

Spotted sina Robi at Sandara na magkasama sa Korea recently. Patunay ang lumabas na picture nila together. Ano naman kayang palusot ang sasabihin nila?

O, may dapat na ba silang aminin? Abang-abang na lang!

comments