Home » News » News Roundup » Gunman patay sa shootout

Gunman patay sa shootout

Patay ang isang lalaki nang makipagbarilan sa patrolling policemen sa Camarin, Caloocan City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng police ang napatay na si Joselito Dalas, 34, residente ng 5618, Pili St., Camarin, Caloocan.

Base sa initial investigation, nagpa-patrol ang tatlong pulis sa kahabaan ng Pili Street, Camarin, dakong 12:30 a.m. nang mamataan nila si Dalas na may kahina-hinalang kilos.

Nang lalapitan na nila si Dalas, agad siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas. Tumakbo palayo si Dalas ngunit hinabol siya ng mga pulis at tuluyang napatay.

Sinabi ng mga pulis na hinimok nilang sumuko si Dalas ngunit tumanggi ang huli. Na-recover sa crime scene ang isang .38-caliber revolver. (Jel Santos)

comments