Home » News » News Roundup » Lalaki binaril ng 3 motorbike riders

Lalaki binaril ng 3 motorbike riders

Patay ang isang 21-taong gulang na lalaki nang pagbabarilin ng tatlong motorcycle riders sa Quezon City, dakong 12:30 a.m. kahapon.

Inaalam pa ng pulis ang natanggap nilang information na sangkot sa robbery at illegal drug incidents ang biktimang si Jose Gardonez, 21, ng Bansalangin Street, Barangay Payatas.

Sinabi ng isang kapitbahay sa investigators na nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril bago niya natagpuang duguan si Gardonez sa labas ng kaniyang bahay.

Ayon sa iba pang witnesses, naglalakad pauwi si Gardonez nang paulanan ng bala ng dalawang lalaki at isang babae na nakasakay sa isang motorsiklo.

Naka-helmet ang tatlong namaril. Isinugod ng mga kaibigan si Gardonez sa Far Eastern University Hospital kung saan siya binawian ng buhay dakong 3 a.m..

Na-recover ng police sa crime scene ang 13 basyo ng bala para sa .45-caliber gun. Patuloy na nagsasagawa ng investigation ang police para malaman kung may kinalaman sa pagkamatay ni Gardonez ang napabalitang sangkot siya sa robbery at illegal drug cases. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments